Voting Guidelines for the 2016 Elections (Gabay sa Pagboto: 2016 National and Local Elections)

[Note: The Commission on Elections (COMELEC) issued a set of guidelines to help voters during the 2016 National and Local Elections. We are reproducing the guidelines to assist in disseminating this important information. Here’s the full text of the “Gabay sa Pagboto: 2016 National and Local Elections” released by the COMELEC.]

PROSESO NG PAGBOTO

  1. Hanapin ang pangalan sa Posted Computerized Voters List (PCVL) na nakapaskil malapit sa pintuan ng polling place. Alamin ang precinct number at sequence number. Lumapit sa Board of Election Inspectors (SBEI) upang ma-check kung may indelible ink na ang iyong daliri, at ma-verify ang identity sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL).
  2. Kunin sa BEI ang marking pen at balota na nakasilid sa ballot secrecy folder. Magtungo sa voting area upang bumoto. Siguraduhing tama ang pag-fill up ng balota. HUWAG MAG OVERVOTE!
  3. Matapos ma-fill-up ang balota, ipasok ang balota sa VCM. Hintayin ang voting receipt!
  4. Isang election worker ang gugupit ng resibo. Lalagyan ka muna ng INDELIBLE INK bago ibigay sa iyo ang resibo.
  5. I-verify ang resibo, habang nakatayo sa tabi ng Voting Receipt Receptacle. Kung may katanungan, ipagbigay alam sa BEI. Ihulog ang resibo sa Receptacle. BAWAL ILABAS SA POLLING PLACE ANG RESIBO!

MGA DAPAT TANDAAN

  • Para siguradong mabilang nang tama ang iyong balota:
    • Gamitin ang Official Marker lamang na binibigay ng BEI. Huwag gumamit ng sariling ballpen, lapis, o ibang panulat.
    • Itiman ng buong buo ang bilog.
    • Huwag bumoto ng higit sa nakasaad sa kinakailangan para sa posisyon binobotohan. Ito ang tinatawag na OVERVOTE. Kapag nag-overvote, HINDI MABIBILANG ANG BOTO PARA SA POSISYON NA IYON.
  • Maari kang mag-UNDERVOTE, o yung bumoto ng mas kaunti sa kinakailangan ng posisyon.
  • Huwag dumihan, lukutin o punitin ang inyong balota. Bawal din litratuhan ang balotang namarkahan na ng boto mo.
  • Kapag may katanungan tungkol sa nilalaman ng resibo, agad na ipagbigay alam sa BEI. Ang inyong katanungan o reklamo ay itatala sa Minutes of Voting, at inyong lalagdaan ang likod ng resibo. Ang resibo ay ikakabit sa mismong Minutes of Voting.
    Bawal ilabas sa polling place ang resibo. Bawal din itong litratuhan.

Gabay-sa-Pagboto-2016-National-and-Local-Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *